Skip to content

Tata Selo Relasyon Sa Lipunan

January 13, 2011

Michael Ley, Martin See, Spencer Lim

Isang pagtutulad na makikita natin sa lipunang filipino at sa maikling kwentong “Tata Selo” ay ang pagkakaroon ng mga magsasaka na nagtratrabaho sa lupa na hindi sa kanila ang titulo. Sa panig ng Lipunang Filipino, makikita ito sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita na nasa sitwasyong ito. Ito ay dahil hindi pa naihati ng gobyerno ang lupa sa mga ito. Sa kabilang panig naman ng “Tata Selo”, makikita ito sa sitwasyon ni Tata Selo na ang lupang pinagtratrabuhan niya ay kay Kabesang Tano.

Isang isyung panlipunan na maaring ikumpara sa Tata Selo ay ang paglaban ng mga magsasaka sa Sumilao. Sila ay gumawa ng ganito dahil sa hindi pagbigay ng gobyerno at ng San Miguel Foods Inc. (SMFI) sa kanila ng lupa na dapat ay sa kanila talaga. Ang sagot nila dito ay mulang Sumilao, nagmartsa sila papunta sa Opisina ng Department of Agriculture sa Maynila.

Ang dalawang halimbawa na nakalista sa itaas ay iilang halimbawa lamang sa kondisyon ng lipunan natin ngayon sa panig ng agrikultura. Naipapakita sa akdang “Tata Selo” ang pagsasamanta ng mga korporasyon (Kabesang Tano) sa mga mahihirap na magsasaka (Tata Selo). Itong sitwasyon ay nagmula sa pagnais ng mga mayaman na lalong yumaman at ang mga mahihirap ay nadadamay mula sa mga aksyon nila. Sa aming palagay, ito ay ginawang mamayaning tema ng may-akda dahil para sa kanya, ito ay isang mahalagang sitwasyon sa ating lipunan na kailangan malaman ng kapwa

From → Uncategorized

Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: